Policies at Customer Agreement
Para malinaw, transparent at hassle-free ang bawat purchase.
💳 Downpayment Policy
- ◆ ₱10,000: Standee units (4-in-1, 3-in-1)
- ◆ ₱5,000: Table Top unit
- ◆ ₱5,000: PisoTab
- Ang down payment ay ibinabawas sa kabuuang package price.
- Ang balance ay Cash on Delivery (COD) via LBC.
Bakit kailangan ng down payment? (Security deposit)
- Nagsisilbi itong assurance na seryoso ang buyer.
- Hindi kami tumatanggap ng full COD dahil kami ang unang nagbabayad ng shipping fee sa LBC bago maipadala ang unit.
- Kapag hindi kinukuha ng customer ang unit, hindi naibabalik sa amin ang shipping fee, at umaabot pa ng halos isang buwan bago maibalik ng LBC ang package.
- Marami na kaming kaso na kumpirmadong nag-order ang customer pero nagbago ang isip pagdating ng unit at hindi na nakipag-usap.
- Dahil dito, kinakailangan ang down payment bago namin simulan ang processing ng order.
Assurance para sa buyers
- Maaaring humingi ng video proof kasama ang chat conversation at aktwal na vendo stocks.
- Siguraduhing ang ka-chat ay ang official page: JC VENDO PH ✓ (Verified, 163,000+ followers).
- Maaari ninyong i-PM ang aming mga posted clients para sa kanilang feedback.
Mahahalagang paalala
- ❌ Non-refundable ang down payment kung magkakaroon ng order cancellation.
- Lalamove pick-up: full payment muna.
- Walk-in at pick-up: kailangan pa rin ng down payment para ma-process ang order.
- LBC COD orders: kailangan ng down payment bago ang processing.
🏦 Payment Details
- Magpadala ng screenshot bilang patunay pagkatapos magbayad. No screenshot of downpayment = no recorded downpayment.
- Hintayin ang kumpirmasyon ng aming active agent bago ituring na verified ang down payment.
- Siguraduhing tama ang account details. Magpadala lamang sa official payment accounts ng JC Vendo PH.
🚚 Processing at Shipping
Processing time
On-hand stocksDP today, ship tomorrow
Made-to-order units3–5 araw
Tantiyang LBC shipping
PisoTab₱800 – ₱1,200
Table Top₱1,000 – ₱2,000
Standee₱3,000 – ₱5,000
Final rate ng LBC base sa size, timbang at destinasyon. Ang eksaktong halaga ay makikita sa resibo at tracking number.
🛡️ Warranty at After-Sales Policy
🔧 30 days (1 month) parts warranty
- Mula sa aktwal na pagtanggap ng unit. Sakop ang factory defects ng parts, na papalitan ng brand-new parts kung pasok sa warranty.
- Kung may factory defect na sakop ng warranty, sagot ng JC Vendo PH ang shipping pabalik sa production house at pabalik sa customer.
Hindi sakop ang sira dahil sa:
- Improper use / misuse
- Power fluctuation o unstable na kuryente
- Tubig, moisture, sunog o kalamidad
- Physical damage, tampering o unauthorized repair
🛠️ 90 days (3 months) online after-sales support
- YouTube tutorial guides, chat, remote assistance at basic troubleshooting.
- Online guidance lamang. Hindi kasama ang on-site repair o physical servicing.
🤝 Goodwill support
- Kahit tapos na ang warranty at support, maaari pa rin kaming tumulong depende sa evaluation at discretion ng seller.
- Posibleng libreng labor kung applicable. Ang customer ang sasagot sa replacement parts kung hindi na repairable.
- Kusang-loob na tulong ito at hindi bahagi ng warranty.
⚠️ Free support policy
Ang libreng support ay pribilehiyo, hindi permanenteng obligasyon, at maaaring bawiin kung may: abuse o misuse ng unit, paulit-ulit na unreasonable demands, false claims, disrespectful, threatening o harassing na asal, o hindi pagsunod sa mga ibinigay na instruction.
📌 Limitation of liability
Hindi liable ang seller sa indirect losses gaya ng loss of income, downtime o business interruption na maaaring resulta ng paggamit o pag-maintain ng unit.
📄 Customer Agreement
Paalala bago mag-order: Ang Smart Kiosk Vendo ay gumagamit ng licensed systems mula sa LPBKIOSK. Ang JC Vendo PH ay isang independent vendo builder at hindi konektado sa management o operations ng system provider. Ang anumang updates, changes o policies ng system provider ay wala sa aming kontrol.
Nature of purchase
Ang binibiling vending machine ay isang one-time payment vendo machine. Hindi ito franchise, at walang kasamang franchise agreement, service contract o long-term maintenance obligation mula sa seller.
Franchise vendo machine
- May written contract na may bisa nang 3–5 taon
- Sagot ng franchise seller ang repairs at maintenance
- Walang dagdag na gastos sa servicing
- Karaniwang ₱150,000 – ₱250,000
One-time payment vendo machine
- Isang beses lang ang bayad, walang kontrata
- Responsibilidad ng customer ang mga posibleng sira sa hinaharap, maliban kung sakop ng warranty
- Limitado ang warranty at nakadepende sa polisiya ng seller
No return / no unit replacement
Hindi maaaring isauli o ipapalit ang buong unit dahil lamang sa pagbabago ng isip matapos ang pagbili.
✅ Customer acknowledgement: Sa pagbabayad ng down payment, kinikilala ng customer na nabasa, naunawaan at sinasang-ayunan niya ang mga patakarang nakasaad dito.